Sunday, February 21, 2010

Kira is Real !



A test of my freshly installed software Adobe Premiere CS4, which its serial code I just cracked recently (Muahahaha pwede na 'kong maging swindler). Featuring my own voice. The audio is a requirement in our radio prod class, and I became too overwhelmed of what I've done that's why I made a video out of it. Enjoy whoever you are who can relate watching. :-)

Sokbu sa sariwang software na kaiinstall ko lang. Matagumpay ako sa pag-crack ng serial code nito, pwede na kong maging manggagancho kaya mag-iingat kayo Muhahahaha!
Tampok ang sarili kong boses. Project kasi namin sa radio prod yung audio, Masyado lang ako natuwa kaya ginawan ko ng video. Enjoy kung sino ka mang nakakasakay dito! :-)

Thursday, February 18, 2010

Iba na ang pagsibol ng bulaklak ngayon



Akala ko dati, mga lalaki lang ang nagbibigay
ng bulaklak sa mga kababaihan subalit
kahapon nakatanggap ako ng ganito.
Iyon 'ata ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko.
Nakakatuwa naman pero
mas maa-appreciate ko sana
kung personal na iniabot at nagpakilala,
hindi ko tuloy alam kung sino ang dapat pasalamatan.