Monday, October 8, 2007

Sa buhay walang tama at mali, lagi lang may natutuhan at natutuklasan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw at pinaniniwalaan. Mayroon tayong sariling mga landas na tinatahak at pinahahalagahan natin ang tanging mga kaisipan at ideyolohiya na makatutulong sa ating paglalakbay, ang mga kaisipan na sa tingin natin ay makapagliligtas sa atin at kapag ating pinili ay ating matatagpuan ang kaligayahan at makakamit ang tagumpay.

No comments: