Monday, October 8, 2007

Sadyang napakahalaga ng oras. Sa paglipas ng bawat sandali, hindi mo na muling maibabalik pa kapag nagdaan na ito. Nito ko lang napagtanto na napakaraming oras na rin pala ang aking naaksaya na hindi lamang bahagi ng isang araw kundi maging ng aking buhay, sana'y mas nagamit ko ang mga oras na iyon sa mas kapaki-pakinabang na gawain.
Kung minsan nga naisip ko hindi pala bumibilis ang oras, ang oras ay laging constant sa pagatakbo nito, hindi ko lang napapakinabangang mabuti kaya siguro napapag-iwanan ako.

No comments: