Madalas kong naririnig ang salitang "hating-kapatid" .
Noon akala ko'y pangkaraniwang salita lamang ito na ang
ibig sabihin ay pamamahagi nang pantay-pantay.
Ngayon ko lang napagtanto na mabigat pala ang kahulugan nito at may
matinding epekto at hindi basta-basta binibitiwan.
Ang tunay na kahulugan ng hating-kapatid ay pamamahagi ng
pagmamalasakit, hindi paghahati nang pareho.
Kapag nagmamalasakit ka ay iniisip mo ang kapakanan ng iba
kaysa sa sarili, kaya mas gugustuhin mong maraming mapala
o benepisyo ang iba kaysa sa iyo. Katulad ng magkapatid na binigyan
ng tig-apat na piso, pambili ng taho. Gusto ng bunso ng limang pisong
taho ngunit hindi kasya ang pera niya. Naunawaan ng kuya ang pagdurusa
nito kaya tatlong pisong taho na lamang ang binili niya at ibinigay ang piso
kay bunso upang makuntento na at maibsan ang uhaw. Napatalon si bunso
sa tuwa at muntik nang masagasaan at bilang ganti ay niyakap ng mahigpit at
hinalikan ang kuya sa kaliwang pisngi.
No comments:
Post a Comment